Manila, Philippines- Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakaroon diumano ng anak ni Dingdong Dantes sa non-showbiz girl na si Lindsay De Vera.
Nagsimula ang pagkaka-link sa dalawa sa isang blind item sa online program na “Showbiz Now Na” ng batikang radio anchor na si Cristy Fermin.
Ayon sa blind item, isang male personality na pambato ng kanyang network ang nagkaroon ng anak sa dating nag-aartista (istarlet), ilang taon na ang nakakaraan.
Dagdag pa ni tita Cristy, “Ang bata ay mula 5 to 6 taon na. Samantala ang pagkakalarawan dito sa pambatong ito (ng istasyon) na male personality ay family man. Napakairesponsable sa kanyang mag-iina, ‘di ba?”
Sabi pa,”kung alam ito ng asawa ng male perrsonality , bakit itinatago pa rin ang nangyari?
Nangyari pa diumano ang pagtataksil ilang taon matapos ang kasal ng mag-asawa.
Bagama’t hindi pinangalanan ni Cristy ang BI ay nagkaroon naman ng ideya ang mga netizens na sina Dingdong at Lindsay ang nasa likod ng blind item.
Matatandaang noong 2021 ay nauna nang pumutok ang isyung pagkakaroon ng anak ng male personality sa isang baguhang star subalit itinanggi ito ni Lindsay sa mga naging panayam niya. Ador Saluta