Home ENTERTAINMENT Cristy, kinasuhan nina Kiko-Sharon!

Cristy, kinasuhan nina Kiko-Sharon!

Manila, Philippines – Sunod-sunod na ang nagkakaso sa veteran showbiz columnist and radio host na si Cristy Fermin.

Latest na nga itong sina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na tinawag na walang basehan at malisyoso ang diumano’y sinabi ng Showbiz Now Na host sa kanyang show.

Wala pang specific details na lumabas pero malamang ay kunektado ito sa pinag-usapan sa palabas na diumano ay gap kina Sharon at KC Concepcion dahil nakawala raw ito ng mamahaling gamit.

Kahapon lang kasi ay pumutok ang balitang may pakiusap si KC kina Cristy na wag na lang ito pag-usapan.

Tatlong kampo na ang nagkaso kay Cristy: Sarah Lahbati, Bea Alonzo, at Sharon-Kiko. Bago siya masampahan ng kaso ng huli ay nagbiro pa ito na baka daw si Julia Roberts ang sumunod na mag-file.

Giit niya, ginagawa lang niya ang trabaho niya as journalist.

Sey naman ng BSR law sa interview ng Rappler: “Ms. Fermin cannot invoke the right to free speech as a shield to freely make slanderous statements and evade the consequences of such actions.”

Kumusta na kaya ang YouTube channels na sinabihan nina Sharon at Kiko na kakasuhan kasi di hamak naman na sobrang lala ng headlines nila? Natuloy kaya o na-dismiss agad? Trixie Dauz