Home METRO Manila LGU nanawagan sa mga barangay, street cleanups paigtingin

Manila LGU nanawagan sa mga barangay, street cleanups paigtingin

MANILA, Philippines – Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga opisyal na barangay na paigtingin ang paglilinis sa kanilang mga nasasakupan, partikular na ang mga gutter ng lansangan upang maiwasan ang pagbaha ngayong tag-ulan.

Sa ulat, nakita na nagmistulang tambakan na ng basura ang kanal sa Antipolo Street sa Tondo.

Bumara na sa kanal ang iba’t ibang basura gaya ng styrofoam packaging, single-use plastics, at iba pa.

Nababahala naman ang mga residente ng ilang barangay sa Maynila dahil sa posibilidad na pagtaas ng kaso ng dengue kung kaya’t ipinanawagan ang agarang paglilinis sa mga kanal o daluyan ng tubig.

Samantala, ang Reco Avenue partikular sa Divisoria, ay nilinis nitong Sabado ng umaga kasunod ng night market nitong Biyernes.

Kabilang sa mga nahakot na basura ay mga tirang gulay mula sa mga nagtitinda. RNT/JGC