Home IN PHOTOS MOU para sa online voting ng overseas Filipinos sa 2025 polls tinintahan

MOU para sa online voting ng overseas Filipinos sa 2025 polls tinintahan

Larawan kuha ni Crismon Heramis

MANILA, Philippines- Lumagda  sa isang kasunduan ang Commission on Election (Comelec) sa pribadong kontraktor para sa Online Voting ng Overseas Filipino sa 2025 Midterm election.

Nakuha ng Joint Venture na SMS Global Technologies at Sequent Tech Inc ang kontrata para sa P100 milyon upang maisakatuparan ang Online Voting and Counting System para makaboto ang mga OFW.

Sa isinagawang ceremonial signing sa Comelec, mismong sina Chairman George Erwin Garcia at Commissioner Aimee Ferolino ang kumatawan sa poll body. Sina Anthony Christian Angeles at Eduardo Robles naman na parehong mga Chief Executive Officer ang pumirma sa kontrata para sa panig ng SMS Global Technologies Inc. at Sequent Tech Inc. Crismon Heramis