Home METRO Sanggol tinadtad ng saksak ng tatay sa sobrang selos

Sanggol tinadtad ng saksak ng tatay sa sobrang selos

BUKIDNON – Mistulang hayop na kinatay matapos na burdahan ng saksak ang isang taong-gulang na babaeng sanggol kung saan mismo ang kanyang ama ang suspek sa krimen.

Base sa ulat na matapos ang krimen ay tinangka ring kitilin ng 29-anyos na amang suspek ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak din sa sarili nito.

Nagawa naman siyang isugod sa ospital at ngayon ay nakasailalim sa hospital arrest.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na matinding selos ng suspek sa kaniyang asawa ang ugat ng krimen at dinamay na lang ang bata.

Napag-alaman na bago ang krimen, nag-away umano ang mag-asawa pero umalis ang misis habang iniwan niya sa suspek ang kanilang anak.

Kakasuhan ng parricide ang suspek. RNT