Home HOME BANNER STORY Sirit-presyo ng GG, iba pang isda kinuwestyon ng agri group

Sirit-presyo ng GG, iba pang isda kinuwestyon ng agri group

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) nitong Martes ang pagtaas ng presyo ng galunggong  at iba pang isda sa kabila ng sinasabi ng mga grupo na sapat ang suplay.

Ang pinakahuling datos ng Department of Agriculture (DA) ay nagpakita na ang presyo ng galunggong sa Metro Manila ay dumoble sa P180 hanggang P280 kada kilo mula P160 hanggang P260 noong nakaraang linggo.

“Dapat nasa P200 or P180 lang ang presyo dapat ng galunggong. Hindi na dapat tumaas pa doon,” ani SINAG Chairperson Rosendo So sa isang pahayag.

Sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na tinitingnan pa nito ang karagdagang impormasyon para sa pagtaas ng presyo ngunit naapektuhan umano ng pag-ulan kamakailan ang suplay ng isda.

“Wala tayo nakataas na closed fishing season so tuluy-tuloy yung pangingisda ng ating mga mangingisda maliban lamang kung may sama ng panahon,” ayon kay BFAR Chief Information Officer Nazzer Briguera.

Sa bahagi nito, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na pinalalakas nito ang industriya ng aquaculture sa bansa. Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng saradong panahon ng pangingisda. Santi Celario