Home NATIONWIDE Smartmatic nakapuntos sa SC; mabilisang DQ ng Comelec sa bidding, mali!

Smartmatic nakapuntos sa SC; mabilisang DQ ng Comelec sa bidding, mali!

MANILA, Philippines – Kinatigan ng Supreme Court (SC) ang petisyon ng kumpanyang Smartmatic laban sa Commission on Elections patungkol pagkakadiskuwalipika sa bidding para sa 2025 local and national elections.

Sinabi ni SC spokesperson Atty. Camille Ting, na batay sa En Banc decision, maituturing na “grave abuse of disecretion” ang pag-disqualify ng Comelec sa Smartmatic.

Sa desisyon na pinonente ni Justice Jose Midas Marquez, nilabag ng Comelec ang probisyon ng Government Procurement and Reform Act dahil agad na diniskuwalipika ang Smarmatic kahit hindi pa nakapagsusumite ng bidding requirements.

Bagaman at pinanigan ng SC ang petisyon ng Smartmatic, walang nakitang dahilan ang Korte para ipawalang-bisa ang naganap na public bidding at pag-award ng kontrata ng Comelec sa Miru Systems Inc.

Hindi rin pinagbigyan ng SC ang hirit ng Smarmatic na maglabas ng TRO at Writ of Preliminary Injunction.

Ayon sa SC wala namang dinanas na irreparable injury ang Smartmatic lalo pa at wala pa namang inilalabas na pondo ang naturang service provider

Samantala, nilinaw ni Atty Ting na mayroong pang legal remedy ang Smartmatic at maaaring kasuhan ng Smartmatic ang Comelec kung sa palagay ng Smartmatic ay nakaranas ng injury sa hakbang ng Comelec. Teresa Tavares