Home NATIONWIDE Pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan pinaiimbestigahan sa Kamara

Pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan pinaiimbestigahan sa Kamara

MANILA, Philippines – Umapela si Cagayan Rep Jojo Lara sa House of Representatives na imbestigasyon at tukuyin ang dahilan ng pagdagsa ng mga Chinese Students sa Cagayan.

Ayon kay Lara bagamat wala naman masama sa pagkakaroon ng mga dayuhang estudyante subalit dapat tignan din sa aspeto ng national security.

Batay sa datos ni Lara ay nasa 4,600 Chinese students ang nakaenrol sa isang private university lamang.

“I had a talk with National Intelligence Coordinating Agency and CHED and two private schools during the last quarter of 2023 about this. These Chinese individuals are wearing student IDs, and are on long-term lease in residential apartments. They pay a high amount of rental fees, but they don’t go out of their house,” pahayag ni Lara.

“We just want to know why. We are not against having foreign students, but what we fear is we have an issue with China. If there are 4,600 Chinese students in one private university and the private university even admits it, it is very alarming,” paliwanag ni Lara.

Isa pa sa nakakabahala ayon kay Lara ay kung paano nakapasok sa bansa ang mga Chinese nationals, aniya, base sa kanilang impormasyon ay P1 million ang binabayad ng mga estudyante, 80% nito ay napupunta sa ahente habang ang 20% ay sa paaralan.

“Gusto lang natin makampante ang lahat ng Pilipino at tiyakin na walang mako-kompromiso sa atin rito,” ani Lara.

Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maraming Chinese students ang nakikita aa EDCA sitessa Cagayan at kanila na itong iniimbestigahan. Gail Mendoza