Home HOME BANNER STORY Incentives at loans nais ialok sa maliliit na solar power users

Incentives at loans nais ialok sa maliliit na solar power users

MANILA, Philippines – Isang panukala ang inihain sa Kamara na naglalayong magbigay ng insentibo at maaring makapag-loan ang mga consumer na gagamit ng solar power systems.

Sa House Bill 10253 na inakda ng Makabayan Bloc ay bibigyang mandato ang Department of Energy, National Renewable Energy Board (NREB) at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na hikayatin ang mga consumer na lumipat na sa solar energy systems at ito na ang ganitin sa kanilang mga bahay at opisina.

Sinabi ng Makabayan Bloc na target ng panukala na magkaroon ng 1 million rooftop na may installation na ng solar power sa loob ng susunud na 10 taon at maisasagawa ito kung mag aalok ng loan at incentives ang gobyerno.

Sinabi ni Minority Leader France Castro ng ACT Teachers party-list na ang multi-agency program ay bukas din para sa Pag-IBIG, GSIS at SSS members kung saan ang installation ng small solar power systems ay maaaring iurltang sa ilalim ng home construction at improvement.

“In an era of increasingly high prices and foreseeable decline of the global oil supply, the government should at the soonest develop fuel alternatives and accelerate the exploration and utilization of renewable sources of energy. In 2008, Congress enacted Republic Act 9513 or the Renewable Energy Act to encourage investments in renewable energy. To complement this measure, it is also necessary to encourage demand and provide incentives especially to purchasers of small renewable energy systems,”nakasaad sa explanatory note ng panukala.

Umaasa ang Makabayan Bloc na isusulong ng Kamara ang panukala upang hindi na dumedepende ang mga power users sa generation companies na malaki ang kinikita subalik palpak sa servisyo lalo ngayong mataas ang demand ay muling nakakaranas ng rotational brownout.

Nabatid na parehong panukala ang naihain na sa Kamara noong 2011 at muling inihain sa 16th at 17th Congress ngunit hindi umusad. Gail Mendoza