MANILA, Philippines – NANINIWALA si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque na makatutulong ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act para makasungkit ng sariwang investments mula sa Japanese companies sa bansa.
Sa katunayan, magkasamang binisita nina Roque at Special Assistant to the President for Economic Affairs and Investments (SAPIEA) Secretary Frederick Go ang Japan mula Marso 3 hanggang 4 para makipagpulong sa mga Japanese business leaders.
Ang pagbisitang ito ayon sa DTI ay nagresulta ng ₱23.5 bilyong halaga ng investment pledges mula sa apat na kompanya.
Ani Roque, nagpahayag ng pagkasigasig ang mga kompanya ng Japan hinggil sa pakikipagtulungan sa gobyerno, bunsod na rin ng kamakailan lamang na ‘tax reforms at policy changes.’
“Specifically, what caught their attention was the recently enacted CREATE MORE Law, which offers enhanced tax incentives, simplified processes, and greater opportunities for businesses to thrive in the Philippines,” ang paliwanag ni Roque.
Sa kabilang dako, sa naging ulat ng property advisory firm Colliers, tinukoy ang CREATE MORE bilang pangunahing batas para maging paborable ang bansa na maging business environment para sa foreign investors.
“The substantial tax reliefs under this law are attractive to companies looking to establish or expand operations,” ang sinabi sa report.
Ibinahagi naman ni Roque na ang mga kompanyang nakausap ay nagpahayag ng interest na palawakin ang kanilang umiiral na operasyon o magtatag ng bagong pakikipagsapalaran sa bansa.
“I leave Japan energized by the strong interest shown by these potential investors, which I hope will translate into actual investments that create employment opportunities for our people,” dagdag na pahayag nito.
kabilang sa mga kompanya na nakapulong ni Roque sa Japan ay ang Nidec Corp., Ibiden Co., at Sumitomo Corp.
“Nidec, a leading motor manufacturer, shared its interest in expanding its manufacturing footprint in the Philippines, particularly with humanoid robotics manufacturing. Semiconductor leader Ibiden likewise sees value in expanding its current operations of advanced substrate technologies in the country. Trading conglomerate Sumitomo, which has played a crucial role in the country’s major transportation projects such as MRT-3, is keen on investing in the renewable energy sector,” ayon sa ulat.
Nagkaroon din ng pagpupulong si Roque sa mga Japanese fashion at lifestyle companies, kung saan nakakuha siya ng strategic trade partnerships kasama ang Etoile Kaito & Co. at Adastria Co.
Ani Roque, ang nasabing pagtutulungan ay makaka-attract ng Japanese retail at supply chain investment, at makapagpapalakas sa market access para sa high-quality Filipino products sa Japan.
“Under the ‘Bagong Pilipinas’ vision, we are committed to leveraging strong partnerships with global industry leaders to expand trade, drive innovation, and showcase the unmatched talent of our people,” ang sinabi ni Roque.
Matapos na lisanin ang Japan, si Roque ay nasa Los Angeles, California sa Estados Unidos para makapulong din ang mga kompanya hinggil naman sa investment opportunities sa Pilipinas. Kris Jose