MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Taguig City police Substation 4 ang dalawang suspek na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga habang nagsasagawa ng pagpapatrulya Miyerkules ng gabi, Oktubre 23.
Base sa report na natanggap ni Southern Police District (SPD) director Brig. Gen. Bernard Yang ay nakilala ang dalawang nadakip na suspects na sina alyas Rodel, 60, at isang alyas Robert, 32.
Ayon kay Yang, inaresto ang dalawang suspects habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Substation 4 dakong alas 7:30 ng gabi sa Barangay Ususan, Taguig City.
Sa pagsita sa mga suspects ay nakuhaan ang mga ito ng walong heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱170,000.
Ang nakumpiskang ebidensya ay na gagamitin sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspects ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa laboratory examination.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng R.A. 9165 ang mga suspects sa Taguig City Prosecutor’s Office.
“Our officers’ proactive measures in this operation reflect our commitment to making Taguig safer. We will continue to target illegal drug activities and hold offenders accountable,” pagtatapos ni Yang. James I. Catapusan