Home HOME BANNER STORY 11 bayan, lungsod sa Cavite lubog sa baha

11 bayan, lungsod sa Cavite lubog sa baha

321
0

MANILA, Philippines – Lubog sa baha ang 11 sa 23 bayan at lungsod sa Cavite, dahil sa malalakas na pag-ulan dala ng bagyong Kristine.

Ayon kay Cavite Gov. Athena Tolentino, kabuuang 2,532 pamilya o 8,913 indibidwal ang apektado ng matinding pagbaha lalo na sa Noveleta na nagpatupad ng forced evacuation.

Nang tanungin kung ang big-time reclamation projects ay nakapag-ambag sa mga pagbaha, sinabi ni Tolentino na, “Mahirap siyang sagutin ngayon but we will look into it and we will get back to you.”

Kamakailan ay sinabi ng Philippine Reclamation Authority na magpapatuloy ngayong taon ang 90-hectare reclamation project sa Bacoor, Cavite.

Samantala, nasa 18 lungsod at bayan sa Cavite ang wala pa ring kuryente. Anim na bayan naman ang walang tubig.

“Some evacuation centers have genset batteries that are enough to charge mobile devices,” sinabi ni Tolentino.

Matatandaang idineklara na ang state of calamity sa buong Cavite dahil sa epekto ng bagyong Kristine. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here