Home NATIONWIDE ₱30.7M ketamine, nasabat sa Clark; itinurn-over ng Customs sa PDEA

₱30.7M ketamine, nasabat sa Clark; itinurn-over ng Customs sa PDEA

196
0

MANILA, Pilipinas — Aabot sa ₱30.780 milyong halaga ng ketamine ang isinuko ng Bureau of Customs (BOC) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Abril 20, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ayon sa BOC, nasabat ang kontrabando sa Port of Clark noong huling bahagi ng Marso matapos makatanggap ng intelligence information mula sa PDEA.

Isinailalim sa X-ray inspection ang shipment kung saan nakita ang kahina-hinalang laman. Sa isinagawang K-9 sniff test, nagpositibo ito sa iligal na substansiya na nagbunsod ng mas masusing pagsusuri.

Natuklasan ang anim na plastic pouch na naglalaman ng puting crystalline substance na kalauna’y nakumpirmang ketamine, na may kabuuang timbang na 6,156 gramo. Ang mga ito ay itinago sa loob ng isang spool at binalutan ng mga kable upang hindi agad matukoy.

Agad namang naglabas ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC laban sa shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act No. 9165.

Batay sa pinakahuling ulat ngayong Abril 2026, umabot na sa ₱2.531 bilyon ang kabuuang halaga ng iligal na droga na nasabat ng BOC, habang anim na kasong kriminal na may kaugnayan sa illegal drugs ang naisampa nito sa Department of Justice mula Enero 2025 hanggang Abril 2026. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here