Home HOME BANNER STORY ₱476-M tobats buking sa balikbayan boxes

₱476-M tobats buking sa balikbayan boxes

534
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) nitong Miyerkoles ang 70 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱476 milyon na nakatago sa tatlong balikbayan boxes sa isang bodega sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, galing sa Long Beach, California ang kargamento at idineklara para sa Bacoor, Cavite.

Natuklasan ang droga sa pamamagitan ng x-ray scan at K9 inspection, nakahalo sa canned goods, personal na gamit, at nakatago sa mga backpack at maliit na kahon.

Binalaan ni Nepomuceno ang paggamit ng balikbayan boxes para sa iligal na aktibidad dahil simbolo ito ng sakripisyo ng mga OFW. Nangako ang BOC at PDEA na paiigtingin ang operasyon laban sa sindikato ng droga.

Ihahanda ang mga kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act laban sa mga sangkot. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here