Home TOP STORIES PAL flight patungong Japan nagkaaberya, pumihit pabalik sa Maynila

PAL flight patungong Japan nagkaaberya, pumihit pabalik sa Maynila

259
0

MANILA, Philippines – Ligtas ang 191 pasahero at walong crew ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 412 patungong Osaka, Japan matapos bumalik sa Maynila nitong Miyerkoles dahil sa problema sa pressurization.

Umalis ang Airbus A321CEO mula NAIA alas-9:26 ng umaga ngunit kinailangang bumaba at magdeklara ng emergency alas-10:08 bago ligtas na lumapag alas-11:15.

Sinabi ng PAL na sinunod ang lahat ng safety protocols at tinutulungan na ng kanilang ground team ang mga pasahero sa pagkain, bagahe, at rebooking. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here