Home NATIONWIDE ₱680K tobats nasabat sa 2 HVI sa Makati buy-bust ops

₱680K tobats nasabat sa 2 HVI sa Makati buy-bust ops

295
0

MANILA, Philippines – Nalambat sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City police ang dalawang high value individuals (HVIs) na nakumpiskahan ng ₱680,000 halaga ng shabu, Martes ng umaga, Pebrero 10.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Randy Arceo ang mga nadakip na suspek na sina alyas Tebo, 44, drayber, at isang babae na alyas Leleng, 34, kapwa residente ng Barangay Singkamas, Makati City.

Base sa report na natanggap ni Arceo, naganap ang pagdakip sa mga suspek sa isinagaawang buy-bust operation bandang alas 3:00 ng madaling araw sa Barangay Singkamas, Makati City.

Sa ikinasang operasyon ay nagpanggap na buyer ang isang operatiba at matapos maiabot ni alyas Tebo na kasama si alyas Leleng sa una ang isang knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng ₱100,000 halaga ng hinihinalang shabu ay agad itong dinakma na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Sa kabuuan ay nakumpiska sa posesyon ng mga suspek ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱680,000.

Makaraan ang operasyon ay dinala sa SPD Forensic Unit ang nakumpiskang ebidensya para isailalim sa laboratory examination.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Makati City police ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Makati City Prosecutor’s Office. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here