MANILA, Philippines – Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Martes, Pebrero 10 na ang pagtarget sa suplay ng illegal na droga ang mas mainam na aksyon sa paglaban sa problema ng illegal na droga sa bansa at hindi ang pagpatay sa mga indibidwal.
“The solution to the drug problem is not killing people. It is these kind operations which solves the problem,” sinabi ni Remulla sa press briefing.
“Pwede naman magtrabaho nang hindi pinapatay ‘yung mga maliliit na tao. Ang kailangan dito enforcement, mahuli, hindi dumating sa kalye para bumaba ang kuha ng droga,” dagdag pa niya.
Ayon sa DILG chief, ang pagtaas sa presyo ng illegal na droga ay nagresulta sa pagbaba ng krimen.
“Dahil umakyat ang presyo ng drugs dahil sa trabaho ng lahat ng nandito, ang seizure namin ay higit kumulang mga three tons, in one year halos three tons,” ani Remulla.
“Yung three tons na ‘yan resulted in an increase of the price of shabu by 80%, umakyat. Umakyat ang presyo ng shabu, bumaba naman ang crime by 24%, so corresponding ‘yan.”
Kamakailan ay naharang ng mga awtoridad ang P278 milyong halaga ng shabu mula sa Afghanistan. RNT/JGC