Home METRO ₱714K shabu nasabat, HVI at 2 kasabwat timbog sa Parañaque drug ops

₱714K shabu nasabat, HVI at 2 kasabwat timbog sa Parañaque drug ops

105
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque City police ang isang high-value individual (HVI) at dalawa pa nitong kasabwat sa ikinasang buy-bust operation Sabado ng hapon, Oktubre 19.

Sa report na isinumite ni Parañaque City police chief Melvin Montante kay Southern Police District (SPD) director Police Brigadier General Bernard R. Yang ay kinilala ang mga nadakip na suspects na sina alyas Jacob, 23, tinaguriang HVI-pusher; alyas Romar, 24; at isang alyas Jaime, 18.

Sinabi ni Yang na nadakip ang mga suspects sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng SDEU dakong alas 3:30 ng hapon sa San Juan De Coastal, Brgy. San Dioniso, Parañaque City.

Sa isinagawang operasyon ay narekober sa posesyon ng mga suspects ang mahigit 105 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ₱714,000, isang cellphone at isang coin purse.

Ang nakumpiskang illegal na droga na gagamiting ebidensya sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspects ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa chemical analysis.

Nahaharap sa kasong paglabag ng Sections 5 at 11 Article II ng RA 9165 (Comrehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City police.

Pinuri naman ni Yang ang ipinakitang pagsusumikap ng Parañaque City police sa pagsugpo ng ilegal na droga sa lungsod kung saan tinatarget ng nito ang mga HVIs sa kanilang lugar na nasasakupan. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here