MANILA, Philippines – Humihingi ng tulong ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pribadong partner nito para matugunan ang commitment ng pamahalaan na tugunan ang 6.5 milyong housing backlog.
“The government cannot do it alone. We need the support of all stakeholders. We need private partners including CREBA (Chamber of Real Estate Builders’ Association Inc.) and other developers’ groups,” sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar kasabay ng annual convention ng CREBA sa Clark, Pampanga nitong Biyernes, Oktubre 18.
“Now more than ever, we need to work together, we need to unite, collaborate and continuously engage to ensure we complement each other’s efforts,” dagdag ni Acuzar.
Kinilala nito ang gampanin ng pribadong sector upang masiguro ang epektibong implementasyon ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH), ang flagship housing program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Layon ng 4PH program na tutukan ang mga pamilyang informal settler at mga indibidwal na kumikita ng P16,000 at P17,000 kada buwan.
Matatandaan na orihinal na plano ng ahensya na magtayo ng anim na milyong housing units pagsapit ng 2028, ngunit kalaunan ay tinapyasan ito ng halos kalahati ng target para sa 4PH program, o tatlong milyong unit.
Ani Acuzar, maraming pagsubok na kinakaharap ang kanilang partner-developers.
“Together, let us turn these challenges into opportunities toward our shared goal of providing safe, decent yet affordable shelters to Filipinos in sustainable communities patungo sa mas maunlad at mas matatag na Bagong Pilipinas,” sinabi ni Acuzar. RNT/JGC