RIZAL, Cagayan – Hindi na umabot ng buhay ang kasalukuyan mayor at muling kumakandidato sa parehas na posisyon at dalawa pa ang sugatan matapos na pagbabarilin habang nagsasagawa ng campaign rally o nangangampanya sa loob ng Barangay Hall ng Iluru, Rizal, Cagayan.
Kasalukuyan ang kampanya dakong 9:30 kagabi sa nasabing barangay hall ang re-electionist na si Atty. Joel Ruma bilang Punong Bayan ng Rizal, Cagayan.
Nadamay din sa pamamaril ang dalawang biktima na sina Merson Abiguebel at Melanie Talay na pawang residente sa naturang lugar.
Kaagad na naglunsad na kagabi ang pulisya ng manhunt operations laban sa mga hindi pa nakikilalang suspek.
Tinitignan anggulo o motibo ay posibleng may kinalaman sa papalapit na halalan at dati nitong kasong kinakaharap ang biktimang si Mayor Ruma sa pagpaslang sa kanya.
Matatandaan noong May 2022 election nagtatago sa batas si Ruma dahil sa kinakaharap na kaso at nangampanya lamang sa Radyo ang alkalde kung saan napagwagian naman ang nasabing halalan. Tumatakbo ito ulit ngayong 2025 para sa isa pang termino kasama ang kanyang maybahay na si Vice Mayor Brenda Ruma.
Sa ngayon ay three corner fight ang Mayoralty at Vice Mayoralty races sa Rizal, Cagayan. Sa Mayoralty race, contender sina Retired General Ralph Mamauag na nagretirong opisyal ng Phil. Air Force at isang Florence Littaua. Sa Vice Mayoralty race, challenger ni incumbent Vice Mayor Brenda Ruma si Councilor Pastor Boyet Ligas Jr. at Edilberto Jose Jr. Labing siyam naman ang kandidato sa Sangguniang bayan sa nasabing munisipalidad na nasa segunda distrito ng Cagayan.
Batay sa resulta ng 2022 election, nagwagi lamang noon si Ruma sa botong 5,746 kumpara sa kanyang nakatunggaling si Mamauag na may total votes na 4,405. (Rey Velasco)