
MANILA, Philippines – Hinihikayat ng PAGASA ang publiko na gamitin ang iHeatMap guide upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng init tulad ng heatstroke at dehydration.
Nagbibigay ito ng hourly forecast ng heat index sa buong bansa at maa-access sa website ng PAGASA hanggang Hunyo 30, 2025.
Lalo itong makatutulong sa mga manggagawang nasa labas, matatanda, at mga bata.
Pinapayuhan din ang mga LGU at utility sectors na gamitin ito para sa pagpaplano at paglalabas ng paalala. Santi Celario