Home HOME BANNER STORY Doktor brutal na pinatay matapos pagnakawan sa QC

Doktor brutal na pinatay matapos pagnakawan sa QC

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang 68-anyos na doktor sa loob ng isang abandonadong SUV sa Barangay Pasong Putik, Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon, tinadtad ng saksak ang biktima gamit ang iris scissors at ninakawan.

Nakuhanan ng dashcam ang suspek bago ang krimen, na naging susi sa kanyang pagkakaaresto.

Nawawala ang cellphone, wallet, at pera ng doktor.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang paratang, pero nakuha mula sa kanya ang ATM card ng biktima.

Kakaharapin niya ang kasong robbery with homicide. Santi Celario