Home NATIONWIDE Halos kalahating milyong katao dadalo sa libing ni Pope Francis

Halos kalahating milyong katao dadalo sa libing ni Pope Francis

MANILA, Philippines – Inaasahang aabot sa higit 450,000 katao ang darating sa Vatican City para sa libing ni Pope Francis at sa conclave na pipili ng kanyang kapalit, ayon sa Civil Protection Department ng Italya.

Tinatayang 200,000 ang dadalo sa libing at 250,000 pa para sa conclave.

Binabantayan ng mga awtoridad ang pagdating ng mga deboto lalo na mula sa South America, partikular sa Argentina.

Gaganapin ang libing sa Sabado ng gabi, na susundan ng posibleng paglilipat ng labi sa Santa Maria Maggiore. Isang bagong kampo ang inihanda para sa 7,000 volunteers. RNT