Home NATIONWIDE Senado may kapangyarihan sa paglikha ng foreign policy; malayang makapagsalita sa WPS ...

Senado may kapangyarihan sa paglikha ng foreign policy; malayang makapagsalita sa WPS  – Kiko

1
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Sen. Francis ” Kiko” Pangilinan ang constitutional role ng Senado sa pagbuo ng foreign policy ng bansa kaya dapat malayang maipahayag ng mga senador ang kanilang posisyon sa mga isyu tulad ng West Philippine Sea (WPS).

Sa plenary deliberations sa panukalang ₱7.2-trillion national budget para sa 2027, humingi ng paglilinaw si Pangilinan kay Sen. Erwin Tulfo, sponsor ng panukalang budget ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng mga attached agencies nito, kaugnay ng naunang pahayag ng DFA sa mga komento ng mga opisyal ng Pilipinas tungkol sa WPS.

Kinilala ni Pangilinan na ang Pangulo ang chief architect ng foreign policy ng bansa, ngunit binigyang-diin niya na may papel din ang Senado sa paghubog ng direksyon nito.

“Because we have a role in crafting foreign policy, should we not be able to speak on matters of foreign policy, and that what we say should be recognized as part of our mandate?” tanong niya.

Humingi rin siya ng paglilinaw kung ang pahayag ng DFA noong Nobyembre 9 na naglalarawan sa mga kamakailang public commentary ng ilang opisyal ng Pilipinas tungkol sa China bilang “regrettable” ay tumutukoy sa mga senador na nagsalita tungkol sa West Philippine Sea.

Nilinaw ni Tulfo na ang mga pahayag ng mga opisyal ng China na binanggit sa pahayag ng DFA ay nakadirekta sa mga opisyal ng executive branch, hindi sa mga halal na opisyal sa Senado o Kongreso. Idinagdag niya na tinawag ng DFA ang pansin ng Chinese Embassy kaugnay ng usapin.

Ikinatuwa ni Pangilinan ang paglilinaw ngunit itinuro niya na ang pagkakasulat ng pahayag ng DFA ay maaaring nagdulot ng kalituhan dahil hindi nito malinaw na pinaghiwalay ang mga opisyal ng executive branch at mga miyembro ng lehislatura.

Binigyang-diin niya na may constitutional responsibility ang mga senador na suriin at ipahayag ang kanilang mga pananaw sa foreign policy ng bansa, lalo na dahil ginagamit ng Senado ang kapangyarihan nitong mag-ratify ng mga tratado.

“How can we ratify treaties if we can’t speak about whether we oppose or object to or support our foreign policy direction?” sabi ni Pangilinan.

Sinabi niya na mahalaga ang paglilinaw upang matiyak na ang mga pahayag ng mga senador sa foreign policy ay nauunawaan bilang pagganap sa kanilang constitutional mandate.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here