Home NATIONWIDE 1.18-M nag-file ng COC sa BSKE 2023

1.18-M nag-file ng COC sa BSKE 2023

MANILA, Philippines – Umabot na sa 1.18 milyon ang bilang ng mga aspirante sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon sa Commission on Elections noong Sabado.

Batay sa pinakahuling ulat ng poll body, nasa 724,005 katao na ang naghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) para sa mga posisyon sa barangay, habang 457,399 sa youth councils.

Nitong Sabado, Sept .2 ang huling COC filing ngunit pinalawig hanggang ngayong araw Sept.3 sa Ilocos Norte at Sept.4 naman sa National Capital Region at Abra .

Ang pagpapalawig sa COC filing ay matapos suspindihin noong Huwebes dahil sa masamang panahon.

Ang BSKE election ay itinakda sa Oct.30 .

Ayon sa Comelec, pupunan ng mga mananalong kandidato ang 672,016 bakanteng puwesto sa 82 probinsya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)