Home HOME BANNER STORY $1.5-B inutang ng Pinas sa ADB para sa epekto ng Middle East...

$1.5-B inutang ng Pinas sa ADB para sa epekto ng Middle East crisis

1
0

MANILA, Philippines — Kumuha ang pamahalaan ng Pilipinas ng 236.64 bilyong Japanese yen o humigit-kumulang $1.5 bilyong financing mula sa Asian Development Bank (ADB) upang makatulong sa pagharap sa epekto ng krisis sa Middle East sa presyo ng langis, kabuhayan at mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon sa Department of Finance (DOF), nilagdaan ni Finance Secretary Frederick Go noong Oktubre 6 ang financing agreement para sa Assistance for Greater Resilience and Alleviation of Poverty (AGAPAY) program. Nauna itong inaprubahan ng ADB noong Setyembre 24.

Gagamitin ang pondo bilang budget support sa mga hakbang ng gobyerno laban sa economic shocks at oil supply disruptions dulot ng Middle East conflict.

Susuportahan ng AGAPAY ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) ng pamahalaan, kabilang ang mga hakbang para mapanatili ang suplay ng gasolina at kuryente at makatulong na mapigil ang pagtaas ng gastos sa pampubliko at commercial transport.

Kasama rin sa mga target na programa ang fare discounts, fuel at fertilizer subsidies, tulong sa maliliit na electric cooperatives, medical assistance at cash aid para sa mahihirap at vulnerable households, public transport workers, magsasaka at mangingisda.

Bahagi rin ng financing ang suporta sa repatriation at reintegration ng mga OFW na naapektuhan ng kaguluhan sa Middle East.

Ayon sa ADB, vulnerable ang Pilipinas sa krisis dahil halos lahat ng fuel nito ay imported, habang malaking bahagi ng langis at iba pang commodities ay nakadepende sa global supply chains na apektado ng tensiyon sa Middle East.

Ang $1.5 bilyong financing ay ibinibigay sa ilalim ng ADB Countercyclical Support Facility, isang crisis-financing mechanism na ginagamit upang tulungan ang mga bansang humarap sa malalaking economic shocks. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here