Home NATIONWIDE 1.5M PUV drivers nakatanggap na ng P5K ayuda; DSWD naghahanda sa digital...

1.5M PUV drivers nakatanggap na ng P5K ayuda; DSWD naghahanda sa digital payout – Gatchalian

61
0

MANILA, Philippines – Nakapagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ayuda sa 1.5 milyong public utility drivers sa buong bansa kabilang ang mga drayber ng jeepney, tricycle, transport network vehicle service (TNVS), motorcycle taxi, at service delivery.

Nagpapatuloy naman ang payout efforts ng ahensya sa mga drayber at rider na naidagdag sa orihinal na listahan ng mga benepisyaryo.

Ang isa sa mga payout ay isinasagawa sa air-conditioned tent sa Las Piñas, kung saan nasa 30,000 delivery riders ang inaasahang makatatanggap ng P5,000 cash aid

where around 30,000 delivery riders are expected to receive P5,000 in cash aid from May 19 to 21.

“Wala dapat maiwanan. Itong mga nakikita niyo. Ito na ‘yung mga na-discover namin na wala sa original na listahan,” sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Nakatakda ang isa pang malakihang payout para sa ride-hailing drivers sa Linggo sa Mall of Asia.

Ani Gatchalian, ito ay bahagi ng pinabuting payout sa nagpapatuloy na payout system, kung saan ang mga venue ay itinatalaga para sa specific transportation network companies, hindi katulad noong una na ang halo-halo ang payout.

Samantala, sinabi rin ni Gatchalian na handa na ang ahensya na ipatupad ang digital payouts.

“Kung sakaling magkakaroon ng susunod na rounds, ito hindi na mangyayari ito na manual, kasi nga na-verify na namin, na-validate na namin na totoong mga driver, hindi mga ghost rider. Kung may next round, kasi mino-monitor pa namin ang sitwasyon, digital na, ready na kami,” sinabi ng kalihim. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here