MANILA, Philippines – Nasa 10 pantalan na ang apektado sa pagtama ng bagyong Pepito sa bansa.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 1,606 pasahero kabilang ang mga truck drivers, cargo helpers ang stranded sa mga daungan.
Stranded din ang 487 rolling cargoes at 10 sasakyang dagat habang 20 iba pang sasakyang dagat at 2 motorbancas ang nagtatago sa ligtas na lugar.
Partikular na may pinakamaraming stranded sa Bicol region at Eastern Visayas.
Ayon sa PCG, maaari pang madagdagan ang mga stranded at kanselasyon ng mga biyahe ng mga barko bunsod ng inaasahang pananalasa ng bagyong Pepito. Jocelyn Tabangcura-Domenden