MANILA, Philippines – Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang 1.7 milyong bata sa Mindanao kontra tigdas at tigdas hangin upang magkaroon ng sapat na proteksyon laban sa posibleng komplikasyon.
Sa unang linggo ng Ligtas Tigdas campaign, sinabi ng DOH na higit isang milyong bata ang nabakunahan.
Layon ng programa na maiwasan ang pagdami ng kaso, pagka-ospital, at pagkamatay dulot ng tigdas at rubella.
Patuloy ang pagbabakuna ngayong linggo para maabot ang mga batang wala pang proteksyon.
Hinimok ng DOH ang mga magulang na makipag-ugnayan sa barangay health centers para sa iskedyul ng pagbabakuna.
Inaasahang ilalabas ng DOH ang updated na resulta ng kampanya sa loob ng isang linggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden