Home NATIONWIDE Kabayanihan ng kapitan sa lumubog na barko malapit sa Scarborough pinuri ng...

Kabayanihan ng kapitan sa lumubog na barko malapit sa Scarborough pinuri ng PCG

227
0

MANILA, Philippines – Dapat natin ipagmalaki na ang kalidad ng mga Pilipinong Marino ay napakataas at hindi tumatakbo sa responsibilidad.

Ito ang binigyang diin ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan kasunod ng trahedya na nangyari sa mga tripulante ng M/V Devon Bay na itinuturing na isang inspirasyon sa bawat marino na makita ang isang kapitan na hindi iniiwan ang kanyang mga tripulante at nauunang tumakas sa tahedya.

Nagpahayag din ng kanilang pagmamalaki sa kabayanihan ni Captain Elijah Jucal ng M/V Devon Bay dahil sa pagtanggi na iabandona ang barko sa kabila ng malaking panganib.

Iginiit ni Gavan ang ginawang kabayanihan ni Captain Jucal mula Negros Occidental na hindi niya pinabayaan ang kanyang kasamahan at hindi naunang umalis ng barko.

“We should be proud as Filipinos dahil ang kalidad ng marino natin ay napakataas, hindi tayo tumatakbo sa responsibilidad.” ayon pa kay Admiral Gavan.

Sa imbestigasyon, lumubog ang cargo vessel noong Enero 22 sa karagatan sakop ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Agad na tumulong ang China Coast Guard at narescue ang 17 tripulante kabilang ang dalawang nasawi.

Sila ay itinurn-over nitong Linggo sa PCG at inilipat sa BRP Teresa Magbanua ang mga marino kung saan ngayong Lunes ng umaga ay maingat at ligtas silang nakarating sa Pier 15 sa Port Area, Maynila.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operations para sa apat pang nawawala kung saan kabilang rito ang kapitan ng barko na si Capt. Jucal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here