MANILA, Philippines – Tiniyak ni DPWH Secretary Vince Dizon na pananagutin ang kontraktor ng substandard na flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro na natuklasan ni Gov. Humerlito “Bonz” Dolor.
Ang proyekto, na kinabibilangan ng road dike at esplanade sa Mag-Asawang Tubig River sa Sitio 1 at 2 at Sitio 3 at 4, ay nasira at hindi nasunod ang tamang plano.
Ang kontratistang New Big Four J ay kailangang ayusin ang nasira sa halagang P20 milyon, ngunit hindi ito makakalusot sa pananagutan dahil sa substandard na materyales tulad ng 3-meter sheet piles.
Patuloy na iniimbestigahan ang iba pang bahagi ng proyekto, at posibleng kasuhan ang mga sangkot, kabilang ang dating DPWH officials.
Sinabi rin ni Dizon na kahit pa masumpungan ang proyektong nasira ay hindi pa rin makakapasok sa pananagutan ang kontratista.
Plano rin ni Dizon na bumisita muli sa Mindoro upang mapabilis ang pagkukumpuni at masigurong tama ang implementasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden