Home METRO 1 dedo, 2 sugatan sa sunog sa bodega sa Navotas

1 dedo, 2 sugatan sa sunog sa bodega sa Navotas

199
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang indibidwal habang sugatan ang dalawa matapos magliyab ang isang bodega na nag-iimbak ng event decor at muwebles sa Barangay San Rafael Village, Navotas City, noong Martes ng tanghali.

Sinabi ni Navotas Bureau of Fire Protection investigator SFO2 Junie Bert Mendoza na ang nasawi ay isang 20-anyos na lalaki mula Cavite. Dalawang iba pa ang nagtamo ng sugat at laceration.

“Ang tinitignan nating anggulo dito na possible cause of fire is ‘yung electrical overload. ‘Yung nagwe-welding possible gumamit ng extension wire based doon sa initial statement niya. So possible din ‘yung ignition of material caused by welding slag,” ani Mendoza.

Dahil gawa sa magagaan na materyales ang bodega, mabilis kumalat ang apoy at umabot sa second alarm. Umabot ng apat na oras bago tuluyang naapula ang apoy. Initial na tinatayang halaga ng pinsala ay P5.2 milyon.

Samantala, isang sunog din ang tumama sa residential area sa Bacood, Sta. Mesa, Manila noong Martes ng hapon. Umabot ito sa third alarm at idineklara nang fire out bandang 6:30 p.m. Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here