Home METRO 1 dedo, 5 grabe sa sumabog na tanker truck sa Quezon

1 dedo, 5 grabe sa sumabog na tanker truck sa Quezon

274
0

MANILA, Philippines – Isang tao ang namatay habang lima ang nasugatan matapos mawalan ng preno at sumabog ang isang tanker truck sa Maharlika Highway sa Barangay Malinao, Atimonan, Quezon, nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa pulisya, nasawi ang driver ng trak habang tatlong estudyante at dalawang tricycle driver ang nagtamo ng third-degree burns.

Galing sa pababang bahagi ng kalsada ang trak nang mawalan ito ng preno at bumangga sa isang trailer truck na sangkot sa naunang insidente.

Tumagilid ang tanker at tumama sa dalawang tricycle bago sumabog, dahilan ng malaking sunog na tumupok sa ilang bahay, tindahan, puno, at motorsiklo.

Dinala sa ospital sa Atimonan ang mga nasugatan, habang inilipat sa East Medical Center sa Quezon City ang tatlong estudyante dahil sa tindi ng kanilang paso.

Panandaliang isinara ang bahagi ng kalsada habang inaapula ang apoy.

Ayon sa pulisya, ito na ang ikatlong pagkakataon sa loob ng tatlong buwan na may sasakyang nawalan ng preno sa lugar, kaya pinayuhan ang mga motorista na mag-ingat at magbagal sa pagdaan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here