MANILA, Philippines – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang barangay kapitan sa Dasmariñas, Cavite matapos niyang barilin at mapatay ang kaniyang kapitbahay dahil sa alitan sa videoke noong Biyernes ng gabi sa Barangay San Jose.
Base sa ulat, nag-iinuman at nagbi-videoke ang suspek nang sitahin siya ng biktima, na nauwi sa mainit na pagtatalo.
Habang kinukuhanan ng video ng biktima ang insidente, bigla umano siyang binaril ng kapitan sa dibdib.
Idineklarang dead on arrival ang biktima sa ospital.
Nakuhanan ng CCTV ang pagtakas ng suspek matapos ang pamamaril.
Nagsampa na ng kaso laban sa kaniya ang Dasmariñas police, habang nanawagan ang asawa ng biktima na panagutan ng suspek ang kanyang ginawa at humarap sa batas. Santi Celario