Home METRO 1 patay, 2 arestado sa tangkang pagnanakaw sa motorsiklo sa Sultan Kudarat

1 patay, 2 arestado sa tangkang pagnanakaw sa motorsiklo sa Sultan Kudarat

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki habang arestado naman ang dalawa nitong kasama matapos na tangkang nakawin ang isang motorsiklo sa President Quirino, Sultan Kudarat.

Kinilala ang nasawi na si alyas “Ari”, na sinubukang barilin ang mga pulis na humahabol sa kanya at kasamahang sina “Lukman” at “Oman.”

Bago ang habulan, sinubukan ng tatlong suspek na sakay ng motorsiklo, na nakawin ang isa pang motorsiklo matapos na tutukan ng baril ang may-ari nito.

Sa kabila nito, dahil sa pagkataranta, bigong mapatakbo agad ng mga suspek ang motorsiklo hanggang sa hinabol na ang mga ito ng mga awtoridad.

Narekober ng mga awtoridad ang caliber .45 pistol, isang homemade 12-gauge shotgun, at motorsiklo mula sa mga suspek.

“To our men on the ground, keep in mind that your bravery and perseverance in running after criminals do not go unnoticed. Thus, continue the display the excellence in the performance of all your duties,” ani Police Regional Office-12 Director, Brigadier General Percival Augustus Placer. RNT/JGC