Home ENTERTAINMENT Billy, pumayat, sinabihang ‘tuyot’!

Billy, pumayat, sinabihang ‘tuyot’!

Manila, Philippines- Ikinaalarma ng mga netizens lalo na ng kanyang mga tagahanga ang laki ng inihulog ng katawan ni Billy Crawford.

Kapansin-pansin ito sa mga viral photos ng singer-dancer sa social media.

“Tuyot” ang salitang ginamit ng mga netizens to aptly describe how Billy looks.

At dahil nanuyot na ito’y nagmukhang tumanda, actually older than his age.

Kaya ang nagkakaisang tanong ng mga netizens: stressed out lang ba si Billy o may iniindang karamdaman?

Ang mga ito na rin ang nag-justify why Billy looks stressed out.

Maaaring dala ‘yon ng ni-revive niyang career sa France kung saan siya galing kamakailan.

Kaliwa’t kanan daw kasi ang mga raket doon ng mister ni Coleen Garcia.

If it’s not work-related stress ay posible din daw na nagda-diet si Billy kaya pumayat siya.

In fairness, wala ni isang netizen hinted na bisyo ang dahilan.

As we all know, ilang taon nang ‘di nasasayaran ng alak si Billy.

He had also quit smoking years ago.

‘Yung ibang mga netizens na nagmamalasakit ay pinapayuhan si Billy to go see a doctor to be sure he’s in the pink of health. Ronnie Carrasco III