Home ENTERTAINMENT Kelvin, apektado sa isyung ‘namamakla’!

Kelvin, apektado sa isyung ‘namamakla’!

Manila, Philippines – Looking back, aminado si Kelvin Miranda na masyado siyang naapektuhan last year sa isyung “namamakla” siya.

Kahit na raw kasi wala namang katibayan, idinikit siya sa isyung may nangyari sa kanila ng singer-songwriter na si Sam Smith.

October 2023 nang magtanghal si Sam sa bansa.

A month after ay ibinlind item ng direktor na si Darryl Yap ang isang aktor na pumatol sa nasabing foreign artist.

The actor was reportedly paid P2M para sa dalawang gabing pagbiniig.

Bagama’t itinanggi na ni direk Darryl na si Kelvin ang directly involved ay ang aktor pa rin ang pinagdudahan.

Pumalag si Kelvin dahil nagtatrabaho nga naman siya nang maayos at marangal only to be dragged into an issue na walang katotohanan.

While he has nothing against the LGBTQIA+ community, unfair daw ang pamimintang sa kanya.

Hanggang ngayon daw kasi’y may mga nagtatanong pa sa kanya tungkol doon.

Ibig sabihi’y marami pa rin daw ang naniniwalang may semblance of truth ang isyu.

In a sense, Kelvin is heaping the blame on social media.

Ang advice ng Kapuso actor: magkaroon ng sense of discernment. Ronnie Carrasco III