MANILA, Philippines – Isa ang patay at isa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Plaza St. Riverside, San Francisco Floodway, Brgy. San Juan, Cainta, Rizal.
Lumilitaw na madaling araw ng Miyerkules, Mayo 22, ay sumulpot ang mga suspek saka pinagbabaril ang mga biktima gamit ang hindi pa batid na kalibre ng baril.
Pagkatapos nito ay tumakas ang mga hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo patungo sa Eastbank Road.
Dead on the spot ang biktima na si alyas Alberto habang ang sugatan naman si alyas Melchin na isinugod sa Pasig City General Hospital. Sugatan din ang isa pa na si Reynante na isinugod naman sa Cainta Municipal Hospital para magamot.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Cainta Police para sa ikadarakip ng suspek. Maritess Pumaran