MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa iba pa sa sunog na sumiklab sa residential area sa Pasay City nitong Lunes, Nobyembre 4.
Ang biktima ay natagpuan sa ilalim ng debris matapos ang sunog.
Hindi pa malinaw kung ang natagpuang labi ay mula sa isang 20-anyos na lalaki na naunang iniulat na nawawala.
“Nung madaling araw, sabi niya matutulog na daw po siya, uuwi na nga po. Ayun na po ang huli naming pagkikita,” ayon kay Jenny Rose Seledonio, kapatid ng nawawalang lalaki, sa panayam ng GMA News.
Sa naturang sunog ay 15 tirahan ang naabo, habang 40 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog at ang danyos sa ari-arian. RNT/JGC