Home METRO 1 patay, 2 sugatan sa suwag ng pick-up sa Pangasinan

1 patay, 2 sugatan sa suwag ng pick-up sa Pangasinan

2
0

PANGASINAN, Philippines – Sugatan ang 24-anyos na security guard samantalang hindi naman nakaligtas sa kalawit ni kamatayan ang 29-anyos na live-in partner nito matapos na aksidenteng mabangga ng pick-up sa Brgy. Tebag West, Sta. Barbara ng lalawigang ito.

Ayon sa Sta. Barbara PNP, ang driver ng tricycle at ang live-in partner nito ay parehong residente ng naturang lungsod.

Ang 38-anyos na driver naman ng pick-up ay residente ng Batasan Hills, Quezon City, naninirahan ngayon sa Calasiao, Pangasinan.

Base sa imbestigasyon, ang tricycle ay bumibiyahe papuntang kanluran kasunod nito ang pick-up.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nabangga umano ng pick-up ang rear portion ng tricycle.

Dahil dito, umikot ng ilang beses ang tricycle hanggang sa malaglag ang driver at mga sakay nito.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang driver ng tricycle at ang live-in partner nito samantalang hindi naman gaanong nasaktan ang kasama nilang 2-anyos na bata.

Mabilis na isinugod sa ospital ang tatlo.

Gayunman, idineklarang dead on arrival ang babai, samantalang naka-confine ang driver at ang bata ay out patient naman.

Hindi nasaktan sa naturang insidente ang driver ng pick-up. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here