Home METRO 1 patay, 5 sugatan sa aksidente sa Bohol

1 patay, 5 sugatan sa aksidente sa Bohol

274
0

MANILA, Philippines – Isa ang patay habang lima ang sugatan matapos bumangga ang isang sasakyan sa Antequera, Bohol nitong Sabado ng umaga, Agosto 9.

Ayon kay Police Master Sergeant Reynaldo Lagumbay, desk officer ng Antequera Police Station, naganap ang insidente bandang alas-10 ng umaga.

Aniya, sakay ng bongo truck ang limang pasahero patungo sa bayan ng Balilihan para maghatid ng bermuda grass nang mawalan ng kontrol sa preno ang drayber na si Rosario Tongco, Jr. ng Barangay Bungahan, Antequera at sumalpok sa Dorol Bridge na nagkokonekta sa bayan ng Balilihan at Antequera towns.

Muntik pang mahulog sa tulay ang sasakyan.

Ani Lagumbay, nakita ng mga saksi na tumilapon pa ang isa sa mga pasahero sa lakas ng impact.

Agad na nagtungo sa pinangyarihan ng insidente ang mga responder mula sa Balilihan Ambulance and Rescue Team, at agad dinala ang mga biktima sa Gov. Celestino Gallares Memorial Medical Center sa Tagbilaran City, na 18 kilometro ang layo mula Antequera.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isa sa mga pasahero habang ang iba, kabilang ang drayber, ay ginagamot sa mga tinamong pinsala sa katawan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here