Home NATIONWIDE Dredging sa mga daluyan ng tubig sa Valenzuela, Bulacan aaraw-arawin

Dredging sa mga daluyan ng tubig sa Valenzuela, Bulacan aaraw-arawin

305
0

MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang araw-araw na dredging ng mga ilog at sapa sa Valenzuela at Meycauayan, Bulacan upang maiwasan ang pagbaha sa mga kalapit na komunidad at sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX), sinabi ni DOTr Vince Dizon.

Ininspeksyon ni Dizon ang cleanup drive sa Paso de Blas creek sa Valenzuela kasama si City Mayor Wes Gatchalian, gayundin ang kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at NLEX Corp.

Kabilang ang lugar sa 11 daluyan ng tubig na tinukoy ng joint task force na nangangailangan ng dredging upang maiwasang maulit ang matinding pagbaha sa kahabaan ng NLEX noong nakaraang buwan na nagresulta sa maraming motorista na na-stranded sa expressway nang halos limang oras.

Samantala, gumagawa ng barrier ang DPWH sa kahabaan ng mga sapa upang maiwasan ang karagdagang pagguho.

Ang operator ng tollway, sa bahagi nito, ay nagbigay ng ilang heavy equipment at mahigit isang daang tauhan upang tumulong sa mga pagsisikap sa dredging at paglilinis.

Simula ngayong taon, plano nitong magtayo ng ilang water impounding tank sa mga lugar na madaling bahain sa kahabaan ng expressway.

Para naman sa Valenzuela, sinabi ni Gatchalian na hahabulin din nila ang mga pabrika na makikitang hindi sumusunod sa mga regulasyon sa tamang pagtatapon ng basura. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here