Home METRO 1 patay, higit 360 nawalan ng tirahan sa 2 sunog sa Iloilo

1 patay, higit 360 nawalan ng tirahan sa 2 sunog sa Iloilo

240
0

ILOILO, Philippines – Isang tao ang nasawi at mahigit 360 katao ang naapektuhan sa dalawang magkahiwalay na sunog sa Jaro District, Iloilo City, noong Pebrero 16.

Kinilala ang nasawi na si Rustom Ancieta, 24-anyos at criminology graduate, na na-trap sa loob ng isang car repair shop sa Barangay Balabago.

Ayon sa ulat, umano’y nakainom siya nang husto bago ang insidente at hindi na nakalabas nang kumalat ang apoy.

Ang ikalawa at mas malaking sunog ay naganap bago mag-1 p.m. sa Barangay Benedicto.

Umabot ito sa fourth alarm ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa malalakas na hangin at nahirapan ang mga bumbero dahil sa makikitid na kalsada.

Ayon sa Iloilo City Social Welfare and Development Office, 366 katao mula sa 106 pamilya ang naapektuhan at mahigit 80 bahay ang nasira.

Marami sa mga biktima ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here