Home NATIONWIDE ICC, ‘di makikialam sa mosyon ng depensa ni Duterte vs mga abogado...

ICC, ‘di makikialam sa mosyon ng depensa ni Duterte vs mga abogado ng biktima

195
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) na hindi ito kukuha ng posisyon sa mosyon ng depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang-bisa ang pagtatalaga sa mga external legal representatives ng mga biktima sa kanyang kaso.

Sa tatlong pahinang dokumento na may petsang Pebrero 16, sinabi ni Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang na hindi aasa ang prosekusyon sa ilang nakaredact na impormasyon sa confirmation of charges hearing at maging sa paglilitis. Nakatakdang magsimula ang confirmation of charges hearing sa Pebrero 23.

Nauna nang hiniling ng kampo ni Duterte sa ICC Pre-Trial Chamber I na tanggalin ang mga Pilipinong abogado na sina Joel Butuyan, Gilbert Andres, at Nicole Arcaina, dahil umano sa “conflict of interest” at pagiging “impediment to representation.”

Iminungkahi ng depensa na kung madi-disqualify ang mga ito, maaaring ang Office of Public Counsel for the Victims ang kumatawan sa mga biktima upang maiwasan ang pagkaantala ng pagdinig.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si Duterte sa The Hague kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang kampanya kontra droga. Ayon sa pulisya, nasa 6,000 ang nasawi sa Oplan Tokhang, habang tinatayang aabot sa 20,000 ang bilang ayon sa mga human rights groups. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here