Home NATIONWIDE 1 sa 3 mag-aaral sa Grade 1–3, ‘low-emerging readers’

1 sa 3 mag-aaral sa Grade 1–3, ‘low-emerging readers’

322
0

MANILA, Philippines – Nasa gitna ng lumalalang learning crisis ang Pilipinas matapos lumabas na halos 4.5 milyong mag-aaral sa Grade 1 hanggang 3 ang hindi nakakatugon sa batayang pamantayan sa pagbasa, ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).

Batay sa Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA) para sa school year 2025–2026, 33.42% ng mga mag-aaral ay “low-emerging readers” na nakakabasa lamang ng tatlo sa bawat 10 simpleng salita. Samantala, 30.87% ang “transitioning readers,” 12.39% ang “developing readers,” at 14.47% lamang ang nakabasa sa tamang antas ng baitang.

Binalaan ni EDCOM II Executive Director Dr. Karol Mark Yee na ang mga bata ay “nahuhuli na agad dahil sa mahihinang pundasyon.” Ipinakita rin ng datos ang malalaking kakulangan sa numeracy, kung saan karamihan sa Grade 3 ay dalawang hanggang tatlong taon nang nahuhuli sa curriculum.

Giit ng mga mambabatas, kinakailangan ang agarang hakbang para sa literacy at numeracy sa mga unang baitang upang maiwasan ang patuloy na mahinang resulta hanggang kolehiyo at sa trabaho. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here