MANILA, Philippines – Isa ang nasawi at 10 ang sugatan matapos bumangga ang isang van sa kasalubong na bus sa Pandan, Antique.
Sa CCTV footage, makikitang nawalan ng kontrol ang van sa madulas na kalsada, tumawid sa kabilang lane, at bumangga sa paparating na bus. Sa lakas ng banggaan, sumalpok pa ang bus sa isang bahay.
Ayon sa bus driver, nag-lock ang manibela kaya’t hindi niya naiwasan ang aksidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad. RNT