Home NATIONWIDE Wanted: 10,000 non-reaching positions para sa DepEd

Wanted: 10,000 non-reaching positions para sa DepEd

110
0

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang 10,000 non-teaching positions para sa Department of Education (DepEd) upang mabawasan ang trabaho ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ang mga posisyon ay para sa Administrative Officer II (Salary Grade 11) at ilalagay sa mga elementarya at high school sa buong bansa. Maglalabas ng staffing notice ang mga regional offices ng DBM base sa deployment plan ng DepEd.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, katuparan ito ng pangako ni Pangulong Bongbong Marcos na suportahan ang mga guro at pagaanin ang kanilang trabaho. Dagdag ito sa naunang 16,000 teaching positions na inaprubahan para sa SY 2025–2026.

Hinikayat ni Pangandaman ang DepEd na bilisan ang pagpuno sa mga posisyon, lalo’t papalapit na ang pasukan, kahit na hindi ito madaling proseso. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here