Home NATIONWIDE 1 tigok, 80 pamilya lumakas sa baha sa MisOr

1 tigok, 80 pamilya lumakas sa baha sa MisOr

242
0

MISAMIS ORIENTAL – Isa ang nasawi habang 80 pamilya ang inilikas matapos ang malakas na ulan na nagdulot ng pagbaha sa mga bayan ng Balingasag at Lagonglong nitong weekend.

Ayon sa awtoridad, isang 49-anyos na lalaki ang inanod ng baha habang tumatawid sa spillway sa Barangay Camuayan, Balingasag madaling araw ng Sabado, Agosto 30. Natagpuan ang kanyang bangkay kinabukasan malapit sa baybayin.

Sampung pamilya mula sa Zone 7, Claveria Rosario ang inilikas sa Balingasag, habang 71 pamilya sa Barangay Poblacion, Lagonglong ang nailigtas at dinala sa evacuation center. Umabot hanggang tuhod ang baha sa ilang lugar bago humupa.

Walang naitalang bahay na inanod o kagamitan na nasira, dagdag pa ni Dy.

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa dalawang bayan nitong Lunes, Setyembre 1. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here