Home METRO 1 tigok sa sunog sa Laguna State Polytechnic University

1 tigok sa sunog sa Laguna State Polytechnic University

LAGUNA – Isang tao ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa Laguna State Polytechnic University sa Santa Cruz, Laguna, noong hapon ng Huwebes.

Nagsimula ang sunog sa isa sa mga laboratoryo ng College of Arts and Sciences building.

Nakunan sa video ang mga estudyanteng nagtatakbuhan habang ang iba ay tumulong sa pag-apula ng apoy.

Nakikipag-ugnayan ang unibersidad sa mga awtoridad para sa imbestigasyon at tiniyak ang kaligtasan ng mga estudyante habang nananawagan ng panalangin para sa pamilya ng biktima. RNT