Home METRO 1 utas, 3 sugatan sa salpukan ng tricycle, kotse sa Cavite

1 utas, 3 sugatan sa salpukan ng tricycle, kotse sa Cavite

1
0

CAVITE, Philippines – Patay ang isang 50-anyos na lalaki habang sugatan ang tatlo pa matapos mabangga nang harapan ang sinasakyang tricycle at isang Toyota Corolla Altis sa Governor Ferrer Drive, Barangay Pasong Kawayan 2, General Trias City, Cavite, Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima sa alyas na Jaydie, 35, driver ng tricycle; Ignacio, 50; Jahn, 18; at Sandie, 34. Isinugod silang lahat sa ospital, ngunit idineklarang dead on arrival si Ignacio dahil sa mga sugat sa ulo.

Hawak na ng pulisya ang driver ng Toyota na si alyas Romeo, 67, residente rin ng Barangay Pasong Kawayan 2.

Batay sa ulat, nangyari ang aksidente bandang alas-12:20 ng madaling araw habang magkasalungat ang direksiyon ng dalawang sasakyan. Patungong southbound ang Rusi tricycle na may plakang 725DMD at sakay ang tatlong pasahero, habang northbound naman ang Toyota Corolla Altis.

Pagdating sa lugar, umano’y pumihit pakaliwa ang Toyota at napunta sa linya ng tricycle. Tinangka ng tricycle driver na umiwas sa pamamagitan ng pagliko pakanan, ngunit nagbanggaan pa rin nang harapan ang dalawang sasakyan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, amoy alak ang driver ng Toyota. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here